Wednesday, January 2, 2013

A Life Changing Desicions

Ako ay hindi bulag sa katotohanan, nakikita ko ang inang kalikasan na unti unting bumabagsak dahil sa mga malulupit na tao na sumisira sa kanya. kitang-kita ko sa aking mga mata ang mga bagay na sumisira dito, sa aming komunidad pa lamang ay masasabi ko na sira na si inang kalikasan. Nakapaglakbay na ako sa iba't ibang dako ng ating bansa mapahimpapawid man, mapadagat at mapalupa man. kita ng aking mata ang polusyon sa himpapawid at ang nakakadiring mga kalat sa karagatan at and matitinding usok, alikabok at kalat sa lupa.

Pero ang pinakamaksakit sa lahat ay, ako na isa sa mga tanging mulat sa katotohanan ay ako rin ang isa sa mga sumisira dito, inaamin ko sa aking sarili na sa mga maliliit na nagagawa ko ay nakakadagdag ako sa pagsira ng ating magandang kalikasan. katulad na lamang sa eskwelahan, ako ay nagtatapon ng mga basura kung saan saan ka kadahilanang tinatamad ako na pumunta pa sa basurahan. katulad ito ng mga balat ng kendi, styro ng pagkain at iba pa. 

Ngunit matapos ako makapanuod ng mga bagay tungkol sa ating kalikasan at mga artikulo tungkol dito ay, ako ay napaisip na napagdesisyonan ko na baguhin ang aking sarili, dahil alam naman natin na hindi nman sa iba magsisimula ang pagbabago para sa ating kalikasan, kung hindi sa ating SARILI. tayo ang kailangan magsimula ng pagbabag para sa kalikasan, dahil aanhin pa natin ang paghihikayat sa ibang tao na magbago kung ang sarili natin ay hindi natin mahikayat na magbago. tandaan natin ang orasan ang tumatakbo na at kailangan na nating magmadali dahil kung hindi tuluyan nang masisira ang ating kalikasan kasama na ang ating kinabukasan.

No comments:

Post a Comment