Tuesday, February 12, 2013

NORTH LUZON EXPRESSWAY


Ang aming grupo ay binubuo nina Patrick Caraan, Mark Hangod at inyong lingkod Kevin Guillarte, ito proyekto na ito ay aming masugid na napili dahil ako, bilang isang mamayan na nagmamaneho ng sasakyan at madalas madaan sa mga highway ng north at south, bilang isang mapanuri sa daan marahil na ito ay isang mabuting proyekto para pagaralan ng aming grupo.


Ang Manila North Tollways Corporation (MNTC) ay itinatag noong 1997. Ang MNTC ay nabigyan ng pagkakataan na mag franchise para sa finance, design, rehabilitate, expand, operate at magpanatili ng mga kalsada sa norte ng maynila sa ilalim ng Supplemental Toll Operation Agreement. ayon sa kasunduan, lahat ng unsufructuary rights, interest at mga pribilehiyo galing sa Philippine National Construction Company (PNCC), ang orihinal na franchisee para sa proyekto ng mga kalsada ay isasalin sa kamay ng MNTC kapag natapos na ang pagsasagawa ng mga kalsada. Ang MNTC ay may karapatan maningil ng toll kapag nakumpleto na ang proyekto habang nasa konsesyon period. At kapag nabawi na nila ibibigay na ulit ang pamamalakad sa gobyerno.
 
 
 Ang objective o ang ninanais ng MNTC ay makagawa ng isang kalsada kung saan mas mapapadali ang mga motorista lalong lalo na sa mga trapiko na napakasikip. itong proyekto na ito ay isinagawa upang mas maging mas efficient lalo na sa hindi mapigilang paglaki ng populasyon ng mga tao lalo na ang mga sasakyan sa kalsada.






No comments:

Post a Comment